Full screen

Share

Show pages

Want to create interactive content? It’s easy in Genially!

Over 30 million people create interactive content in Genially.

Check out what others have designed:

Transcript

Kakayahang Komunikatibo

Kakayahang Pragmatik at Istratedyik

May mga pagkakataon na hindi natin kailangang magsalita upang maipahayag ang ating nais sabihin.

Pagnguso

Kumpas ng Kamay

Facial Expression

Galaw ng ating katawan

Paano maipapahayag ang nais nating sabihin?

Suriin ang video na mapapanood.

Ano ang nangyari sa dalawang binata? Ano ang ipinahihiwatig ng video na ito?

Bakit kaya natin nauunawaan ang mga karakter sa video kahit hindi naman sila nagsalita?

Dahil ito sa di-berbal na komunikasyon

hindi gumagamit ng anumang paraan ng pagsasalita kundi pawang kilos o galaw ng katawan

-ang mga participant sa proseso ng komunikasyon ay nagkakaroon ng palitan ng mensahe sa pamamagitan ng pagsasalita

Di- Berbal

Berbal

Dalawang Uri ng Komunikasyon

Mahalaga ang di-berbal na komunikasyon dahil inilalantad nito ang emosyon at damdamin ng kumakausap at kinakausap.

Iba't Ibang Pag-aaral sa Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon

Kinesika (Kinesics)

Ito ang pag-aaral sa kilos o galaw ng katawan.

Kumpas ng Kamay

Facial Expression

Galaw ng ating katawan

Halimbawa ng Kinesika

Halimbawa:a. Ang pagpapatigil sa dumaraang sasakyan. b. Pagtuturo ng isang bagay gamit ang nguso. c. Ang pagsagot sa isang Mathematics problem.

Ekspresyon sa Mukha (Pictics)

Ito naman ay ang pag-aaral sa ekspresyon o ayos ng mukha upang maintindihan ang mensahe ng pagsasalita.

Galaw ng Mata (Oculesics)

Ito ang pag-aaral sa galaw ng mata.

Galaw ng Mata (Oculesics)

Halimbawa:a. may matinding pinagdadaanan b. galit c. nang-aakit

Vocalics (Paralanguage)

Tumutukoy sa mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita katulad ng pagsutsot, at buntong hininga.

Paralanguage

Halimbawa: a. bilis ng pagbigkas b. paghinto sa loob ng pangungusap

Pandama o Paghawak (Haptics)

Ito naman ang pag-aaral sa paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe.

Pandama o Paghawak (Haptics)

Halimbawa:a. pagtapik sa balikat

Pandama o Paghawak (Haptics)

Tandaan: Maging maingat sa ganitong uri ng di-berbal na komunikasyon.

Proksemika (Proxemics)

Ito ay ang pag-aaral gamit ang espasyo o space.

Proksemika (Proxemics)

May apat na uri ng proxemics distance.

Proksemika (Proxemics)

a. 0-1.5 feet kung intimate b. 1.5-4 feet naman kung ito ay personal c. 4-12 feet kung ito ay social distancing d. 12 feet kung public distance

Chronemics

Ito ay pag-aaral na tumutukoy sa oras.

Chronemics

Halimbawa: a. kung ang orasan ay pumatak ng alas dose ng tanghali- nagpapahiwatig ito na oras na upang mananghalian.

Chronemics

Halimbawa: b. ang pagtawag sa dis oras ng gabi ay nangangahulugang pagdistorbo o maaaring emergency.

Chronemics

Halimbawa: c. ang pagpasa ng proyekto sa guro ng maaga ay nangangahulugang disiplinadong estudyante

Katahimikan (Hindi pag-imik)

May mahalaga ding katungkulan ang katahimikan o di pag-imik sa pagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip, bumuo at makapag-organisa ng kaniyang sasabihin.

Katahimikan (Hindi pag-imik)

Ang katahimikan ay isa ding sandata. Ito ay tugon sa pagkabalisa, pagkamahiyain, pagkainip o pagkamatakutin

Kapaligiran

Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong, kumperensya, seminar at iba pa. Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di-pormal ang magaganap na pulong, kumperesya o seminar.

Kulay (Colorics)

Nagpapahiwatig ng damdamin o oryentasyon. Ang kulay ay nagtataglay din ng pagpapakahulugan.

Kulay (Colorics)

Halimbawa: Suriin ang bandila ng Pilipinas, ano ang pahiwatig ng bawat kulay dito?

Kulay (Colorics)

Halimbawa: Suriin naman ang kulay sa stoplight, ano ang pahiwatig ng bawat kulay dito?

Simbolo (Iconics)

Mga simbolo sa paligid na may malinaw na mensahe.

Simbolo (Iconics)

Halimbawa: Sa palikuran, bawal manigarilyo, atbp.

Bagay (Objectics)

Tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa pakikipagtalastasan.

Bagay (Objectics)

Halimbawa ang paggamit ng elektronikong ekwipment gaya ng cellphones.

Tukuyin kung anong anyo ng di-berbal na komunikasyon ang ipinapahiwatig sa mga pangungusap na ipapakita.

1. Paghimas ng ina sa ulo ng sanggol. 2. Hindi pagtugon sa ipinadalang text message.

3. Galaw ng kamay ng guro habang nagpapaliwanag ng aralin. 4. Pasigaw na pananalita.

5. Pagtabi sa kaibigan. 6. Pagtingin sa pulubi mula ulo hanggang paa.

7. Naghihingalong tinig. 8. Pagpisil sa mukha ng kapatid.

9. Pag-iwas sa mga nag-iinuman. 10. Pagtungo sa madilim na sulok ng silid.

Tamang sagot:

1. Haptics 2. Katahimikan 3. Kinesika 4. Vocalics 5. Kinesika 6. Oculesics 7. Paralanguage 8. Pandama 9. Kinesika/ Proksemika 10. Kapalagiran

Kakayahang Komunikatibo

Kakayahang Pragmatik

Ang pokus sa kakayahang ito ay ang tagapakinig o listener. Ito ay ang kakayahang maunawaan ang mga mensaheng sinasabi o di-sinasabi ng taong kausap. Kaugnay nit ang berbal at di-berbal na komunikasyon.

Kakayahang Komunikatibo

Kakayahang Istratedyik

Ang pokus sa kakayahang ito ay kumakausap o nagsasalita. Ito naman ang kakayahang magamit ng wasto ang berbal at di-berbal na uri ng komunikasyon.

Kakayahang Komunikatibo

Kakayahang Pragmatik

Nakapaloob sa kakayahang pragmatko ang pagkilala sa kagawiang pangkomunikasyon ng mga tagapagsalita ng wika pinag-aaralan. Sa pamamagitan nito, natatantiya ng isang mag-aaral ng wika kung ang kanyang sasabihin ay maaaring maging lubhang tuwiran o napalooban ng tamang pagkilala o paggalang sa kausap.

Kadikit ng paglinang sa kakayahang pragmatik ang konsepto ng speech act. Ito ay ang paggawa ng mga bagay gamit ang salita. Halimbawa nito ay pakikiusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako at iba pa

May tatlong sangkap ang speech act. 1. Illocutionary Force 2. Locution 3. Perlocution

epekto sa tagapakinig

anyong linggwistiko

SPEECH ACT

Perlocution

Locution

sadya o intensyonal na papel

Illocutionary Force

pagtugon sa hiling, pagbibigay atensyon

patanong at pasalaysay

Mga Halimbawa:

Perlocution

Locution

pakiusap, utos, pangako

Illocutionary Force

Halimbawa: "Nakahanda na ang pagkain."

"Nakahanda na ang pagkain." Ang locutionary act ay ang mismong pagsabi ng naturang pahayag.

"Nakahanda na ang pagkain." Mula sa intensyong yayain ang kausap, inaasahang sasaluhan siya nito sa pagkain. Tinatawag itong perlocutionary act o perlocutionary effect.

Ngunit, naririyan pa rin ang posibilidad ng mga suliranin lalo na kapag hindi naintindihan ng iyong kausap ang ibig mong iparating.

"Mag-usap tayo mamaya."

Halimbawa:

Maiisip ng iyong kausap na maaaring may nagawa siyang mali kaya gusto mong makipag-usap. Kung kaya't kailangang maging mahusay ang pinagmulan ng mensahe upang maging maayos ang daloy ng komunikasyon at matagumpay na maisagawa ang kilos.

Next page

genially options