IKALAWANG PAG-UULAT
Abegail Moleño
Created on September 7, 2022
Mga Bagong Tuntunin sa Ra, Re, Ri, Ro, Ru, Ray, at Raw
Over 30 million people create interactive content in Genially
Check out what others have designed:
YURI GAGARIN IN DENMARK
Presentation
C2C VOLUNTEER ORIENTATION
Presentation
TALK ABOUT DYS WITH TEACHER
Presentation
CIRQUE DU SOLEIL
Presentation
LAYOUT ORGANIZATION
Presentation
TALK ABOUT DYS TEACHER-TEACHER
Presentation
PRODUCT MANAGEMENT IN MOVIES & TV SHOWS
Presentation
Transcript
estrukrura ng wikang filipino
Ang raw, rito, roon at rine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel - a, e, i, o, u) o malapatinig (semi-vowel - w, y). Halimbawa: 1. Pumunta ka rito. 2. Taga-dabaw (Dabao) rin si Imelda. 3. Nag-aaway raw ang mga bata. 4. Maliligo rine ang mga dalaga. 5. Patungo roon ang mga kandidato.
wastong gamit ng raw, daw, rin, din, dito, rito
Ang daw, dito, din, doon at dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant). Halimbawa: 1. Sa ilog daw maliligo ang mga binata. 2. Pupunta rin dito ang mga artista. 3. Yayaman din tayo balang araw.
Taliwas sa tuntunin sa itaas, kung ang salita ay nagtatapos sa RA, RE, RI, RO, RU, RAY at RAW, ang dapat gamitin at DAW at DIN upang maging malumanay at tuloy-tuloy ang pagbigkas ng pangungusap.
tandaan!!!
HALIMBAWA:
1. Ang balaraw DAW ni pedro ay mas matalim kaysa kay Juan. 2. Ang kalaro DAW ni Anna ay nakatanggao ng karangalan. 3. Kare-kare DIN ang dahilan ni Melba sa pagtitipon 4. Sa araw DAW darating ang kuya ni Lia. 5. Aray DIN ang kanyang hiyaw. 6. Makiri DAW ang manugang ni Aling Damiana.
Ang ponolohiya o palatunuga ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening).
ponolohiya o palatunugan
Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog. May dalawang uri ng ponema at segmental at suprasegmental.a.) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig.Halimbawa:
- ba: tah - housedress
- tub: boh - pipe
- ba: ta? - child
- tub: bo? - profit
b.) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u. May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita.Halimbawa:
- babae - babai
- kalapati - kalapate
- lalaki - lalake
- noon - nuon
Halimbawa:
- uso - modern
- mesa - table
- oso - bear
- misa - mass
c.) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.
pagsasalita
Ang pagsasalita o pananalita ay ang pagpapahayag ng mga ideya at kaisipan sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga tinig, o ideya at kaisipan gamit ang atin mga bibig.
mga bahagi ng pananalita
Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop, pangyayari, o ideya.Mga Halimbawa:
- G. Tom Cruz
- San Juan Elementary School
- Kaarawan
- Silya
- Aso
1. pangngalan
Ang panghalip ay ginagamit panghalili sa pangngalan upang hindi ito uulit-ulitin sa isang pangungusap o taludtud.Mga Halimbawa:
- Ako
- Ikaw
- Siya
- Tayo
- Kami
2. panghalip
Ang pandiwa or salitang-kilos ay tumutukoy sa aksyon ng simuno sa pangungusap. Mga Halimbawa:
- Kumakain
- Naglaba
- Tumalon
- Kumanta
- Umalis
3. pandiwa
Ang pangatnig ay ginagamit pang-ugnay sa isang salita o lipon ng mga salita sa isang pangungusap.Mga Halimbawa:
- Ngunit
- At
- Subalit
- Kaya
- Dahil
4. pangatnig
Ang pang-ukol ay mga salitang ginagamit upang dugtungin ang pangngalan, panghalip, pandiwa o pang-abay sa pinag-uukulan nito. Mga Halimbawa:
- Para sa
- Ayon kay
- Para kay
- Hingil Kay
5. pang-ukol
Ang pang-angkop ay ang mga katagang nag-uugnay sa magkakasunod na mga salita upang mas madulas ang pagbasa nito.Mga Halimbawa:
- na
- ng
6. pang-angkop
Ang pang-uri ay ang mga salitang nagbibigay larawan sa ngalan ng tao, bagay, pook, pangyayari, o ideya. Maaari itong maging kulang o bilang. Mga Halimbawa:
- Maganda
- Mataas
- Dilaw
- Walo
- Mapayapa
7. pang-uri
Ang pang-abay ay ang mga salitang nagbibigay-turing sa pang-uri, pandiwa, o kapwa niya pang-abay.Mga Halimbawa:
- Mabilis niyang kinuha
- Agad na umalis
- Pupunta sa ospital
- Ayaw siyang tantanan
8. pang-abay
maramingsalamat!