Full screen
Share
- Calamian Tagbanwa ay ang pinaka matandang etniko sa central ng palawan
- Cuyonon ang wikang ginagamit sa kapuluang cuyo
- Hiligaynon tinatawag din itong wikang ilonggo.
- Tagalog ay isa sa mga pinaka ginagamit na wika sa buong bansa.
- Tausug ito ay ang wikang ginagamit sa sulu
- Asi ang ginagamit na wika na isang rehiyonal na sinasalita ng mga bisaya.
- Hiligaynon tinatawag din itong wikang ilonggo.
- Onhan ay kilala rin bilang inonhan.
- Romblomanon ang wikang ginagamit sa lalawigan ng romblon.
- Tagalog ay isa sa mga pinaka ginagamit na wika sa buong bansa.
- Tagalog ay isa sa mga pinaka ginagamit na wika sa buong bansa.
- Alangan ang wikang binibigkas ng mga mangyan.
- Buhid ang wikang binibigkas sa lalawigan ng mindoro.
- Hanunoo ay isa sa mga kaparaanan ng pagsulat na katutubo sa Pilipinas at ginagamit ng mga Mangyan ng katimugang Mindoro upang isulat ang wikang Hanunó'o.
- Iraya ang wikang ginagamit ng mga mangyan sa probinsya ng mindoro.
- Tadyawan ang ginagamit na wika sa silangang-gitna ng mindoro.
- Tagalog ay ang isa sa mga pinaka ginagamit na wika sa buong bansa.
- Tawbuwid ang wikang ginagamit sa lalawigan ng mindoro.



INFOGRAPHICS
Sofia Abinal
Created on September 1, 2022
Over 30 million people build interactive content in Genially.
Check out what others have designed:
HOW TO CREATE THE PERFECT VIRTUAL WORKSPACE
Vertical infographics
BOOKFLIX
Vertical infographics
12 PRINCIPLES OF ANIMATION
Vertical infographics
WHY WE LIKE INFOGRAPHICS
Vertical infographics
Transcript
PILIPINAS
PALAWAN
ROMBLON
MARINDUQUE
MINDORO
MIMAROPA
Nagbigay ng Utos Pampangasiwaan sa bisa ng Executive Order bilang 103, si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong ika-17 ng Mayo,2001. ang Rehiyon IV (dakong timog katagalugan) ay hinati sa Rehiyon IV-A (CaLaBarZon) at Rehiyon IV-B (MIMaRoPa) upang isulong ang kahusayan sa pamahalaan, mapabilis ang panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad at mapabuti ang mga serbisyong pampubliko. Ang Rehiyon IV-B ay kinikilala bilang MIMAROPA, tumatayo para sa mga lalawigan sa isla na kinabibilangan ng MIndoro (Oriental at Occidental), MArinduque, ROmblon at Palawan.
MINDORO
Ang pangalang Mindoro ay nagmula sa salitang kastila na "Mina de Oro" o mina ng ginto. Tinawag din itong "Mai" ng mga sinaunang mangangalakal na intsik. Ang kahalagahan ng Mindoro ay nagmula pa nong bago dumating ang mga Kastila.
Ang kanais-nais na kahalagahan nito ay dahil sa heograpikong kinalalagyan, nagsilbi itong sentro ng kalakalan ng mga kalakal ng intsik. Sunod sa umiiral na ruta ng mga sinaunang panahon, ang mga barko ay naglalayag mula sa hilaga haggang sa kanlurang bahagi ng baybayin sa Mindoro, na kung saan mayroong maraming naninirahan sa sentro ng bayan. Para sa mga produktong beeswax, perlas, bakya at talukab ng pagong, ipinapalit naman ng mga intsik ang mga porselana, sutla at tsaa.
MARINDUQUE
Ang Marinduque ay walang katutubong grupo maliban sa mga Tagalog, ngunit maraming mga inapo ng tribong Asi ang
ROMBLON
Bago dumating ang mga kastila sa Pilipinas, ang Romblon ay tirahan na ng mga Negritos mula sa Panay at mga Mangyan mula naman sa Mindoro, at sa huli ng mga tao mula sa Malay. Kilala ang Romblon sa tawag na Isla ng Marmol. Ang lupain ng lalawigan ay humigit kumulang 1,356 kilometrong parisukat.
Ayon sa Alamat,Ang Pinanggalingan ng pangalan ng Romblon ay isang pangyayaring naganap pagkatapos dumating ng mga kastila.Isa sa mga Kastila ay naghahanap ng pagkain at nakakita ng isang kubo. Nakakita siya ng isang inahing manok sa pugad malapit sa bintana, tinanong niya ang may-ari kung pwede nya itong makuha. Di naunawaan ng batang babae ang sinabi nito kaya sumagot na lang ng "Nagalomlom" (Bisayan word for nagalimlim). Dahil di nakuha ng lalaki ang manok, bumalik na lamang ito sa kanilang barko; at ng tinanong siya kung saan nangaling, ang isinagot niya: "Nagalomlom" Sa katagalan ito na ang itinawag sa isla ng mga kastila. Sa pagdaan ng taon, "Nagalomlom" ay nabaluktot sa "Lomlom" pagkatapos "Domblon" ant sa katapusan "Romblon," na sa ngayon ito na ang pangalan ng probinsya. Nagtulungan ang mga taga- Romblon at mga taga Isla ng Banton upang maprotektahan ang mga tao laban sa mga Muslim at Dutch. Noong panahon ng kalagitnaan Rebolusyon ng Pilipinas ay napailalim ang Romblon kay Mariano Riego de Dios at naging malaya sa bisa ng Batas Blg. 2724 at naging ganap ang pagkalalawigan sa bisa ng Batas Blg. 38 na inesponsor ni Kong. Modesto Femilleza
PALAWAN
Sa Palawan mayroong maraming grupong pangkultura: Cuyonon & Agutayon, itinuturing na ethnic elite ng lalawigan; Ang mga grupong Muslim tulad ng Molbog, Jama Mapun at Tausug ay nakatira sa katimugang baybayin; Tagbanuas ang pinakamalaking katutubong grupo na naninirahan sa gitnang bahagi; At mayroon pang maliliit na pamayanang kultural tulad ng Pala'wan, Taut batu, Batak, Ken-uy at Kalamian.
Palawan ay kamukha ng payong na nakasara. Bago pa dumating ang mga Kastila, nagkaroon ng pamahalaan ang mga katutubo, alpabeto at sistema ng palitan sa mga "sea-borne merchants". Nang dumating na ang mga Kastila, ang hilagang bahagi ay natalaga bilang "Calamanes Group", ang timog naman ay nanatiling parte ng "Sultunate of Sulu" noong ika-16 na siglo. Ang mga Kastila ay gumawa ng muog sa Taytay, na naiebedensyahan ng muog na tinawag na "Fort Santa Isabel", na itinalaga sa kabisera ng Calamanes noong 1818. Subalit, ang mga Amerikano na ang nagtatag ng lalawigang Paragua noong 1902, na ang Cuyo ang kaniyang kabisera. Sa huli noong 1905, ginawang Palawan ang pangalan at ang kabisera ay nilipat sa Puerto Princesa sa kapangyarihan ng RA 1363. Sa bisa ng Batas. Kilala ang Palawan sa sikat na Underground River, ito’y isang ilog sa ilalim ng kweba na may daang-daang paniki at mga ibong lumilipad gayundin ang mga larawang nakaukit sa dingding ng kweba.
naninirahan sa katimugang bahagi ng isla at sila ay kilala na kumapit pa rin sa kanilang mga ugat sa Banton. Ang Tagalog na sinasalita sa Marinduque ay pinag-aralan nang mabuti at paghihinuha na ang wikang sinasalita dito ang ugat kung saan umusbong ang mga modernong pambansang anyo ng pananalita. (1914 na pag-aaral ni Cecilio Lopez). Ang pag-aaral na ito ay muling inilathala ng Institute of Philippine Linguistics noong 1973, at walang sinuman ang humarap dito.
MGA WIKA
MINDORO
MARINDUQUE
ROMBLON
PALAWAN
- Alangan ang wikang binibigkas ng mga mangyan.
- Buhid ang wikang binibigkas sa lalawigan ng mindoro.
- Hanunoo ay isa sa mga kaparaanan ng pagsulat na katutubo sa Pilipinas at ginagamit ng mga Mangyan ng katimugang Mindoro upang isulat ang wikang Hanunó'o.
- Iraya ang wikang ginagamit ng mga mangyan sa probinsya ng mindoro.
- Tadyawan ang ginagamit na wika sa silangang-gitna ng mindoro.
- Tagalog ay ang isa sa mga pinaka ginagamit na wika sa buong bansa.
- Tawbuwid ang wikang ginagamit sa lalawigan ng mindoro.
- Tagalog ay isa sa mga pinaka ginagamit na wika sa buong bansa.
- Asi ang ginagamit na wika na isang rehiyonal na sinasalita ng mga bisaya.
- Hiligaynon tinatawag din itong wikang ilonggo.
- Onhan ay kilala rin bilang inonhan.
- Romblomanon ang wikang ginagamit sa lalawigan ng romblon.
- Tagalog ay isa sa mga pinaka ginagamit na wika sa buong bansa.
- Calamian Tagbanwa ay ang pinaka matandang etniko sa central ng palawan
- Cuyonon ang wikang ginagamit sa kapuluang cuyo
- Hiligaynon tinatawag din itong wikang ilonggo.
- Tagalog ay isa sa mga pinaka ginagamit na wika sa buong bansa.
- Tausug ito ay ang wikang ginagamit sa sulu
http://marinduquegov.blogspot.com/2018/01/gintong-binhi-sining-at-kultura-sa.html