Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
LATHAIN
WINMAR GRAY FELIZA
Created on November 24, 2021
Over 30 million people create interactive content in Genially
Check out what others have designed:
Transcript
LATHAIN
Sa pagsusulat ng Lathalain, ikaw ay dapat na: 1. Pumili ng tiyak na paksang susulatin. Ang pagpili ay maaring batay sa napapanahong mga isyu, kalagayan at iba pa. 2. Magtakda ng mga tanong na nais sagutin ng lathalain. 3. Ipunin ang mga kinakailangang datos hinggil sa paksang susulatin.
Ano nga ba ang lathalain?- Ang lathalain ay isang akdang naglalahad ng mga makatotohanang pangyayari batay sa karanasan, pagmamasid, pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat sa isang kawili wiling pamamaraan.
Nilalaman ng Lathalain - Ang nilalaman ng lathalain ay dapat na nakapagmumulat o nakagigising ng pag-iisip at/o damdamin ng mambabasa. Kadalasang nagagawa nito ang alinman sa sumusunod: -nakapagbibigay-alam (inform); -nakapagtuturo (teach); -nakapag-aaliw (entertain)
Mga katangian ng Lathalain: 1. May kaakit-akit na panimula2. Maayos ang pagkakalahad ng ideya 3. Hindi maligoy 4. Simpleng salita 5. Matalinhagang pananalita 6. Isang ideya 7. Tapat at wasto 8. Mapanghamong wakas
Mga Elemento ng Lathalain. Ilan sa mga ito ang: 1. datos (data/facts) 2. pahayag (quotation) 3. tanawin, tunog at pagsasalarawan (sights, sounds and description) 4. Human interest 5. anekdota (anecdotes) 6. narrative lead (pasalaysay na entrada) 7. “I” account (sariling karanasan ng sumulat)
Lathalaing Pangkasaysayan - nahahawig sa lathalaing nagpapabatid subalit ang pinapaksa nito ay isang kasaysayan ng tao, bagay o lunan.
Pangkatauhang Lathalaing Dagli - Paksa nito ay ang paglalarawan ng mga kilalang tao, ang kanilang buhay, karanasan, gawain, patakaran sa buhay at dahilan ng kanilang tagumpay o kabiguan.
Lathalaing Pabalita: - Batay sa isang balitang nakapupukaw damdamin. Pinapalawak ang bahagi ng balita na may pangyayaring di pangkaraniwan, may kababalaghan o makabagong likha na nakapagbibigay sa mambabasa ng kaalaman, simpatya at kawilihan.
Lathalaing Nagpapabatid: - Nagbibigay ng kapakipakinabang na ulat, nadaragdagang kaalaman o karunungan at may layuning magturo o magpayo.
MGA URI NG LATHAIN:
Lathalaing Panlibang - Dahilan sa ang layunin nito ay magbigay kaaliwan, pinakapipili ang paksa upang magsilbing gamot sa mga taong nalulumbay o pampalipas sa oras ng mga taong nais maglibang.
Lathalaing Pakikipanayam - Ang paksa nito ay ang kuru-kuro at kaisipan ng isang kilalang tao. Ang ulat sa mga kuru-kurong ito ay nakuha sa pamamagitan ng pakikipanayam.
Lathalaing Pansariling karanasan - Nauukol sa mga di-pangkaraniwang karanasan ng manunulat o ng ibang tao ayon sa pagkakasalaysay sa may akda.
MGA URI NG LATHAIN:
SALAMAT !