Kung paano Ilarawan ang Filipino
Nyx Minoe
Created on November 1, 2021
Over 30 million people create interactive content in Genially.
Check out what others have designed:
ESSENTIAL OILS PRESENTATION
Presentation
VEGETARIANISM
Presentation
EIDIKO JEWELRY
Presentation
ANCIENT EGYPT FOR KIDS PRESENTATION
Presentation
A GLIMPSE INTO CAPE TOWN’S PAST
Presentation
ALTERNATIVE DIETS
Presentation
MUSIC PROJECT
Presentation
Transcript
Kung Paano Ilarawan ang Filipino: Ribyu sa Grammar ng Filipino
Maria Christina A. Pangan
4. Materyales at Paraan ng Paglalahad
3. Kahingian sa Isang Komprehensibong Grama
2. Ang Filipino sa Gramar ng Filipino
1. Introduksyon
Nilalaman
Introduksyon
Gramar ng Filipino ni Jonathan C. Malicsi
" Inilathala ito noong 2013 ng Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas Diliman at ipinakilála bílang “pinakahuling aklat panggramar na maituturing na teknikal, moderno at nakabase sa mga aktuwal na paggamit sa wika.”
Gramar ng Filipino ni Jonathan C. Malicsi
" Maraming problema sa pagsasalin ng Filipino sa Ingles, lalo na sa katumbas ng mga aspekto ng pandiwa, [at pag-aaral ng] semantika ng mga aspekto kompara sa semantika ng mga kumbinasyon ng tense, modal verb, perfect at progressive sa Ingles, sa tulong ng isang research grant mula sa Regional Language Center sa Singapore noong 1995."
at sinubukang ilarawan ng sumunod na mga pag-aaral tulad ng Makabagong Gramar ng Filipino ni Lydia Gonzales- Garcia noong 1992, Writing Filipino Grammar nina Ernesto at Nelly Cubar noong 1994, at Makabagong Balarilang Filipino nina Alfonso Santiago at Norma Tiangco noong 1977 na may binagong edisyon noong 2003.
Bílang “pinakahuling nalathalang pag-aaral hinggil sa Filipino,” inaasahang bibigyan ng kongkretong imáhen ng aklat ang wikang Filipino bílang wikang pambansa sa unang dekada ng ika-21 siglo, katulad ng paglalarawan ng Balarila ng Wikang Pambansa sa wikang pambansa noong 1944,
Ang Filipino sa Gramar ng Filipino
Makikita sa aklat ni malicsi
Hindi binanggit sa pagtalakay ang “wikang pambansa,” maging sa mga ibinigay na halimbawa.
Walang kongkreto at direktang banggit ang aklat kung anong Filipino ang inilalarawan nitó.
Bagaman walang pag-angkin sa “pag-aaral ng wikang pambansa” ang Gramar ng Filipino, mapapansing ibá na ang inilalahad na Filipino sa pagpasok ng salitâng banyaga sa wikang Filipino:
Sa pag-aaral ng gramatika ng isang wika ay kinakailangang isinasaalang-alang ang lahat ng katangian nitó
Mabaho as in1 mabaho ang Manila Bay. Sumayaw ang mga newscaster. Ikinamatay ni dating presidente Cory Aquino ang colorectal cancer.
Kahingian sa Isang Komprehensibong Gramar
Batayang kaalaman para sa mga nag-aaral ng gramatika ang pag-aaral sa apat na lárang—ponolohiya, morpolohiya, sintaks, at semantika. Maraming aklat panggramatika ang hindi masyadong tumatalakay sa sintaks at semantika—ang set ng mga tuntunin sa estruktura ng mga pangungusap at ang ugnáyan ng mga salitâ upang makabuo ng kahulugan (meaning)—at mas pinagtutuunan ng pansin ang ponolohiya at morpolohiya.
Sinimulan ni Malicsi ang pag-aaral ng batayang pangungusap—sa pagtalakay sa panaguri, simuno, at mga baryasyon ng batayang pangungusap, tambalang pangungusap na may tuon sa paggámit ng mga pangatnig, at sa hugnayang pangungusap partikular sa relasyon ng matrix o pundasyong pangungusap at ng insert.
Tiningnan din ng aklat ang “wikang Filipino” sa pasalitâng paraan, pagpasok ng mga banyagang salitâ at kung paano ito naiimpluwensiyahan at/o nakaiimpluwensiya sa estruktura ng pangungusap ng wikang Filipino.
Anong Filipino ang pinag-aaralan ng aklat?
Pangunahing bahagi ng pag-aaral ng gramatika ang oryentasyon sa anong klase ng Filipino ang pinag-aaralan.
Nagsimula ang Gramar ng Filipino sa kasaysayan ng pagkakabuo ng saliksik at bagaman binanggit na “sa pagtaya ng pangkasalukuyang Filipino, ginamit [na] pangunahing pagkukuhanan ng mga datos ang media—dyaryo, radyo, at telebisyon—at para makita ang mga naunang varayti ng pambansang wika, ginamit [na] sanggunian ang mga nailathalang dyornal ng dating Surian ng Wikang Pambansa,” wala itong malinaw na paglalahad sa katangian ng Filipino na siyáng tinutukoy na “pangkasalukuyan.”
Materyales at Paraan ng Paglalahad
Sa usapin naman ng paraan ng paglalahad, hindi konsistent sa ispeling ang Gramar ng Filipino. May mga pagkakataon na sinisingitan ng I at U ang mga konsonant klaster tulad sa “seksiyon,” ngunit may mga ispeling itong taliwas tulad ng “eksistensyal,” at “linggwistiks.”
Binanggit sa introduksiyon na pangunahing materyales na pinag-aralan at hinanguan ng mga halimbawa ang diyaryo, radyo, at telebisyon. Malaking 71 impluwensiya at marker ang materyales ng midya sa kung anong uri ng wikang Filipino ang umiiral sa isang partikular na panahon. Ngunit kapansin-pansing hindi binanggit kung ano at saan nanggaling ang materyales na ito.
Halimbawa, sa paksang “Pang-abay na pandalas na panaguri,” binanggit lámang na ito ay “sumasagot sa tanong na gaano kadalas” at nagbigay ng apat na halimbawa sa paksang ito. Hindi inilista ang madalas gamíting pang-abay na pandalas, mga kategorya ng mga pang-abay na pandalas, at anong mga estruktura ng pangungusap ang mali kaugnay ng paggámit ng mga pang-abay na pandalas.
Gayundin, hindi maayos ang paglalatag ng mga ideá. Mabilis na lumilipat sa pagtalakay sa ibáng paksa ang aklat nang hindi naipaliliwanag mabuti ang nauna.
Hindi rin masinop sa detalye ang aklat. May mga paksang nangangailangan ng cross-reference ngunit ibá-ibá ang format ng aklat tungkol dito.
Salamat Po!
Group 7
Trisha Ann Marie Fonte
Arvin Eugenio
Joan Fatal