Want to create interactive content? It’s easy in Genially!
Unang Yugto
Ba BaNaNa:3
Created on October 30, 2021
Over 30 million people create interactive content in Genially
Check out what others have designed:
Transcript
PRESENTATION
UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG KALAMIDAD (Disaster Prevention and Mitigation) Pangkat 1
PAGTATAYA SA PELIGRO
PAGTATAYA NG KAHINAAN AT KAKULANGAN
KONKLUSYON, REPLEKSIYON, PANGWAKAS
INTRODUKSYON
kate cadano
Lance amores
james abringe
Aaron rivadinera
Miyembro
GUMAWA NG PPT
leaf banales
ARTIST
PAGTATAYA NG KAHINAAN AT KAKULANGAN
PAGTATAYA SA PANGANIB
PAGTATAYA NG KAPASIDAD
rosbel inquig
nina pacilan
althea villarez
carmela banquerigo
Miyembro
Ang unang yugto na Paghadlang at Mitigasyon ng Kalamidad ay nahahati sa dalawang bahagi; una, ang Paghadlang sa Kalamidad o Disaster Prevention na kinapapalooban ng Pagtataya ng Panganib, Kahinaan at Kakulangan at Kapasidad na tugunan ang kalamidad. Ang ikalawa ay ang Mitigasyon ng Kalamidad o Disaster Mitigation kabilang naman dito ang pagtataya sa peligro na maaaring maranasan ng komunidad.
(Hazard Assessment)
Pagtataya ng Panganib
Ano ang kahalagahan ng Pagtataya ng Panganib?
Ano ang Pagtataya ng Panganib o Hazard Assessment?
Magsisilbing gabay sa gagawing pagtataya ang mga katanungan na nasa ibaba: • Ano ang iba’t ibang uri ng panganib na maaring maranasan sa lugar? • Ano ang maaaring pagmulan ng panganib? • Sino ang maaaring maapektuhan ng panganib? • Kailan maaaring maranasan ang isang panganib? • Gaano katindi o kalawak ang maaaring maging epekto nito? • May kakayahan ba ang komunidad na tugunan ang hamon o panganib?
Ito ay ang proseso ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring makaranas ng panganib, at ang mga elemento na maaaring maapektuhan nito (imprastraktura, agrikultura at kabuhayan ng mga mamamayan).
Hazard Mapping
Ito ang paggawa ng balangkas o banghay ng mga nakaraang pangyayari upang masuri ang: - kung ano ang mga panganib na naranasan sa isang komunidad - gaano kadalas itong mangyari, at - kung alin sa mga ito ang nagdulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan at kapaligiran
Timeline of Events
(Vulnerability Assessment)
Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan
- Ito ang pagtataya sa kahinaan at kakulangan ng isang komunidad maging ito ay sa mga mamamayaan o sa mga imprastrukturang may mataas na antas ng panganib.
- Ayon sa aklat nina Anderson at Woodrow (1990) na pinamagatang Rising from the Ashes, ang Pagtataya sa Kahinaan at Kakulangan ay mayroong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal; Sosyal o Panlipunan; at Pag-uugali ng tao tungkol sa panganib.
Vulnerability Assessment
1. Kahinaang Pisikal o Materyal
Ito ay tumutukoy sa kakulangang pinansiyal at likas na yaman upang makagawa o makapagpatayo ng mga estruktura na kayang hadlangan ang epekto ng kalamidad.
2. Kahinaang Panlipunan
- Ito ay tumutukoy sa kawalan ng kakayahan na tugunan o hadlangan ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang panganib. - Ito rin ay tumutukoy sa mga programa ng pamahalaan at ang suportang ibinibigay ng mga mamamayan.
3. Pag-uugali tungkol sa Panganib
- Ito ay nagdudulot din ng kahinaan na maaaring maging dahilan ng mas matinding epekto ng panganib sa isang komunidad. - Ang kakulangan sa kaalaman at epektibong pagtugon sa harap ng panganib ay may malaking kaugnayan sa pagiging vulnerable ng komunidad. May mga paniniwala at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad.
Ang sumusunod na konsepto para sa epektibong pagsasagawa ng Pagtataya ng kahinaan at kakulangan :
Elementong nalalagay sa panganib
Tumutukoy ito sa lahat ng elemento sa lipunan tulad ng mamamayan, kabahayan, imprastruktura, mga alagang hayop at pananim na maaaring maapektuhan.
Mamamayang nalalagay sa panganib
Tumutukoy ito sa mga taong maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad dahil sa kanilang kalagayang pisikal o kawalan ng kakayahan tulad ng mga buntis, may kapansanan, matatanda at mga bata.
Kinaroroonan ng mga mamamayang nalalagay sa panganib
Tumutukoy ito sa lokasyon ng mga taong itinuturing na may mataas na antas na makaranas ng panganib o vulnerable.
(Capacity Assessment)
Pagtataya ng Kapasidad
Pisikal o Materyal Panlipunan Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard.
Capacity Assessment
Mayroon itong tatlong kategorya:
- ito ay ang pagsusuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard.
Pisikal o Materyal na Aspekto
Sinusuri kung ang mga mamamayan o komunidad ay may kakayahan na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling pampamahalaan, kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad.
Aspektong Panlipunan
Masasabing may kapasidad ang isang komunidad na harapin ang hazard kung ang mga mamamayan ay nagtutulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang pamahalaan ay may epektibong disaster management plan.
Aspekto ng Pag-uugali
Ang mga mamamayan ay bukas-loob na ibahagi ang kanilang oras, lakas, at pagmamay-ari upang ipakita na may kapasidad ang komunidad na harapin o kaya ay bumangon mula sa dinanas na sakuna o panganib.
(Risk Assessment)
Pagtataya ng Peligro
Risk Assessment
- Nagbibigay ng sapat na kaalaman upang makagawa ng mga angkop na programa at proyekto - Nakakapaghanda ang mga tao upang maiwasan ang matinding epekto
- Nakapaloob sa yugto ng mitigasyon ng panganib. - Ang mga datos na makakalap ay gagamitin sa pagsusuri sa mga panganib na dapat paghandaan.
- paghahanda ng pamahalaan at komunidad - Kabilang dito ang pagbuo ng plano sa pamamahala sa kalamidad, pagbibigay ng wastong kaalaman sa mga mamamayan at pagpapatupad ng mga programa
Mitigasyong Di-estruktural
Dalawang Kategorya ng Mitigasyon ng Panganib
- Pisikal na paghahanda - Kabilang dito ang pagpapagawa ng mga estruktura na hahadlang sa matinding epekto ng kalamidad
Mitigasyong Estruktural
Salamat!